PROBLEMA SA SOLID WASTE

   PERFORMANCE TASK IN FILIPINO

   SUBMITTED BY : YNAH CAMILLE ARELLANO 

                                     10- FAITH



    

                                      

     Ano nga ba ang isang solid waste? Ano kaya ang mga epekto nito sa ating kapaligiran? Ang solid waste ay ang mga basura na naguudlot ng pagkasira ng kapaligiran. Ito ay ang mga plastik, papel, mga pagkaing natira, mga kemikal at iba pa. Isa sa malaking suliranin ng kapaligiran sa ating bansa ay ang solid waste management.. Ang solid waste ay pwedeng makatulong sa atin sa pamamagitang ng pagsegregate ng mga bagay na pwe-pwedeng pang gamitin. At pwede rin namang hindi sapagkat ito ay nakakasira ng kalikasan lalo na sa mga tao. Nagiging isang problema ang solid waste dahil hindi marunong maging malinis ang mga tao sa kanilang kapaligiran. Nagiging problema na rin ito dahil masyadong maraming epekto ng basura sa atin. Ito lang ay magiging maayos kung tayong lahat ay magtutulungan sa isa’t isa sa pagtapon ng basura sa tamang lugar at basurahan. Magiging maayos ang problema kung lahat tayo ay hindi nagtatapon ng mga basura. Ang pangangalaga ng kalikasan ang isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ng mga tao. Dito nanggagaling ang lahat ng ating mga ginagamit sa pang-araw-araw.

    Maraming mga Pilipino ang walang disiplina at nagtatapon ng basura sa hindi naman dapat na lugar tulad ng mga dagat, bundok, ilog, at maging pagtatambak sa mga kanto. Kaya naman napakaraming epekto ng mga basura sa ating kapaligiran at sa ating mga tao. Isa na dito ang pagbabago ng isang lugar. Halimbawa : Ang isang lugar ay malinis ngayon ay sobrang dumi na sapagkat hindi marunong magtapon ang mga tao sa tamang basurahan. Isa na rin dito ang populasyon ng isang lugar dahil nahihikayat nang lumipat ng mga tao sa ibang lugar dahil maraming lamok at nagkakaroon na ng sakit ang mga tao sa lugar na iton marahil ay maraming basura na nakatambak duon. Ang suliraning ito ay nagdudulot ng iba pang problema, ito ang nagiging sanhi ng paglala ng pag-init ng panahon dahil nalalason ang karagatan. Ang pagbabaha, pagtaas ng lebel ng nakalalasong kemikal sa hangin at pagkamatay ng mga isda ay ilan din sa masamang dulot ng hindi wastong pagtapon ng mga solid waste.

     Para sa akin, bilang isang responsableng mag-aaral, ang simpleng pagpulot lang ng kalat ay nakakatulong na sa ating kapaligiran. Dahil ito ay nakakabawas ng kalat at marami na rin itong natutulong sa kalikasan. Isa na dito ang nahihikayat ko ang mga tao na ang pagpulot lamang ng kalat ay nakakatulong na sa kanila at sa paligid. Dapat natin ihiwalay ang mga basurang di nabubulok at nabubulok dahil pede pa itong gawing pataba sa mga taniman, kuhain ang mga gamit na pwede pang magamit muli at e-recycle. At para sa kabutihan din ng lahat ay magkaroon ng batas at magbayad ng multa sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa mga ilog, dagat at iba pa na alam nating nakakasira sa ating kalikasan. Simple lang ang solusyon sa problema sa solid waste. Ang isyung ito ay madaling masolusyunan kung lahat tayo ay marunong umintindi na ang pagiging malinis sa kapaligiran ay nagpapakita na malinis tayo sa ating sarili.



References:

Impormasyon tungkol sa solid waste:https://nswmc.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/RA_9003_2015_final.pdf

Comments